Showing posts with label Word for the Day. Show all posts

Post

NOYNOYING in Action

Super akong napahagalpak ng tawa nung napanuod ko ito sa news…

Laos na ang owling at planking, IN na ang Noynoying.

Iba talaga ang mga Pinoy magpa uso, simple pero rock. Patawa pero may patama

Ang “Noynoying” daw ayon kay Vencer Crisostomo, national chairperson ng youth group Anakbayan, is “when you do nothing when in fact you have something to do”. In tagalong = “Walang ginagawa, pero meron naman pwedeng gawin” In short “Muntanga” lang.


Paano ba ang pormang “Noynoying”? Basta para lang si Juan Tamad look, aantok antok look sabay hikab, tihaya galore = then pasok ka sa Noynoying”. Again in other words = ang projection is dapat “Muntanga” lang = in long Mukhang Tanga look.


So whatcha think? Pasok of Planggak?

So para kayo magabayan gumawa ang AnakBayan ng tamang pagsasagawa ng NoyNoying at ito sya:



Word for the day:

Noynoying= walang ginagawa

Kanoynoyan= kapalpakan

Kanoynoy-noynoyan= nagkukunwaring may ginagawa

MunTanga = Mukhang Tanga

UPDATE:
Ang matindi sa lahat ng katindihan ay umabot na sa WIKIPEDIA ang salitang "NOYNOYING" - anusabe???

Ito sabe:
"Noynoying (pronounced noy-noy-YING )[1] is a protest gimmick in the form of neologism which critics of Philippine President Benigno Aquino III have used to question his work ethic, alleging inaction on Aquino's part on the issues of disaster response and of rising oil prices. A play on the term planking and Aquino's nickname, "Noynoy", Noynoying involves posing in a lazy manner, such as sitting idly while resting their heads on one hand and doing nothing."


That is in long, paano naman ang in short: simple lang  : diumano sabi ni WIKIPEDIA:
"Wala daw tugon at action ang Presidente Noynoy sa isyu ng pagtugon sa kalamidad at patuloy na pagtaas ng presyo ng Oil"

AT again, bilang tugon dito naglabas naman ang Malacanyang ng mga pektyur ng Pangulo na working mood at busy galore sya...



So there you go "NOYNOYING IN ACTION" - yun O.

Smilie laughing

Wellawellawella, ang akin lang naman bilang isang mamayaman na nagbabayad ng tamang buwis, sana lang ay matugunan ang mga pangunahing mga problema ng ating bayan lalo na ang pagsugpo sa kahirapan.

"AKSYON  ang kailangan hindi PAPOGI"



Read More . . .

Post

Word for the Day: NINJA

Ngayong araw na ito tuturuan ka naman ng Dyosa ng isang malufet  na acronym.

Word for the Day: "NINJA ( No Income, No Job or Asset).”

Smilie laughing


Translation : PAL - PALamunin...

Use in a sentence: Kaysa magpaka NINJA ka dyan simulan mo nang maghanap ng trabaho.

Lagi mong isaulo ang aking mga Word for the Day...gaya nga ng sabi ni Zenaida Seva " Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL" bwahahahhaha

Rolling laughter animated emoticon



Read More . . .

Post

Word for the Day: Imbyerna Kamote

Matapos mong matutunan ang aking salitang babaylan na "WAPAKELS ",  nais ko namang ibahagi ang isa pang makulay na bokabolaryo na maari mong magamit sa iyong pang-araw araw na pamumuhay...
Smilie laughing

Ang ating mahiwagang Word for the day ay:

Imbyerna Kamote salitang babaylan na ibig sabihin ay "Kainis", "Kairita", "KabwiSHIT"


Use in a sentence: Lumayo layo ka sa aking harapan lalo na pag ganitong ako ay Imbyerna Kamote at baka hindi kita matantya...


O taray ng Dyosa di ba....

Lagi mong isaulo ang aking mga Word for the Day...gaya nga ng sabi ni Zenaida Seva " Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL" bwahahahhaha

Rolling laughter animated emoticon




Read More . . .

Post

Word for the Day : WAPAKELS

At dahil sabi nga nila babaeng bakla ang lola nyo {Opo ako nga po ay isang "babaylan"} uumpisahan ko na po ang aking segment ng blog na ito na tatawagin kong "Word for the Day".  Ito naman ay hindi opisyal, sadyang katuwaan lang naman sabihin nating "salitang babaylan" - wag mo nang iresearch ang katergoryang iyan imbento ko lang yan.


Ang unang salita na aking ibabahagi ko sa inyo ay WAPAKELS


WAPAKELS - salitang babaylan na ibig sabihin ay "DeadMa"; I don't care; Ma/Pa (malay ko / paki ko).


short term for "Walang Paki-alam"


Use in a sentence: Kahit anong gawin mo DeadMa ako sa iyo, maglupasay ka man dyan .WAPAKELS


Yang lang ang unang salitang patikim "Oh ano kuha mo?"




Read More . . .

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net