Showing posts with label Okasyon ng Buhay Ko. Show all posts

Post

Happy 19th Wedding Anniversary MAHAL

Ang may-ari ng blog na ito ay lubhang tuwang tuwa sa galak dahil matuk mo 19 years na pala ang nagdaan mula ng sya ay nagsuot ng putting traje de boda sa edad na 20. Kakaibang kasal kasi lahat ng madyodyonda ay naiyak. Kakaiba kasi bago pumunta ang aking waswit sa altar ay nakatikim pa ng jombag sa kanyang mahal na ama at lolo hahahha. Kakaibang kasal kasi ang bride eh pilit na pilit ang smile.


Nung tinitignan ko nga ang aming larawan para lang talaga kaming pinabili ng suka nyahahhaha…


Sarap alalahanin noh.



Happy 19th Wedding Anniversary sa aking mahal na esposo.

Read More . . .

Post

Birthday ng Bida - Maligayang Kaarawan Icko

Ang araw na ito ay lubhang mahalaga, dahil kaarawan ng aking bida...Opo kaarawan ng aking si Icko Kulit, ang aking inspirasyon sa paggawa ng blog na ito....At bakit naman hindi, kung ikaw ay tambay dito alam na alam mo na magaling humirit ng patawa ang aking anak.  Kanino pa ba magmamana eh di sa nanay na ubod ng ganda hehehheh....



Ang akala ko hindi ka na hihirit anak, pero humirit ka pa din sa iyong kaarawan, wagi ka talaga anak wala kang kupas hehehhe



Happy 8th Birthday Kukoy!!!


(Manahin mo ang kanyang kakulitan dito : Icko Kulit)


Isa pang pagbati :Happy 8th Birthday My Icko


Read More . . .

Post

Maligayang 18th Birthday sa Aking Mala Prinsesang Anak - Ishi


Kay bilis ng panahon, parang kailan lang, at ngayon ang inyong butihing Ate ay may dalaga na.....Imagine that ang inyong Dyosa ay nanganak ng Prinsesa.  Waaaaa dalaga na ang aking si Ishi, ibig sabihin matanda na ang kanyang nanay.  Pero OK sa alright ang sarap atang maging nanay.

Wala ba kayong napapansin sa aking dalaga, madalas eh sinasabi nila na kamukha sya ni Assunta De Rossi, OO naman kasi anak yan ni Assunto hahahhaha.. Sana lang nga kamukha ko sya, pero parang mas kamukha nya ang kanyang Papa. Pero carry lang pag pinupuri sya parang ako na din ang maganda kahit hindi hehehhe dahil galing sya sa akin - kaya makikisakay na lang ang nanay.

Pero too much of my kwento, my Ishi, be a good girl ha, ang buhay ay parang life....Basta tandaan mo andito lang kami ni papa, mama at Icko.  Tuklasin mo ang buhay......


Read More . . .

Post

Happy Mother's Day sa Lahat ng Inay sa WHole Wide Universe...





Ang pagiging INA, hindi yan facebook na pwede kang magLOG-OUT kapag tapos ka ng mag-update. Hindi din yan parang panunuod ng movie na pwede mong i-PAUSE kapag may gusto kang gawin saglit, at hindi pwedeng i-STOP kapag ayaw mo na. Hindi yan trabaho na may DAY-OFF at may SAHOD. At mas lalong hindi ka pwedeng magRESiGN.


Dahil ang pagiging INA ay isang dakilang propesyon at PANGHABANGBUHAY na kontrata.

Read More . . .

Post

Maligayang Kaarawan sa Aking Mahal na Esposo

At dahil kaarawan mo ang aking tanging maiaalay sa iyo ay ang aking "Tapat na Pagmamahal"







Read More . . .

Post

Maligayang 48 Anibersaryo sa Aking Ama at Ina


Maligayang 48 Anibersaryo po sa aking mga Mahal na Magulang. Sa aking paglaki, parati ko kayong nagkikita na nagtatalo, madalas ay kumokontra sa isat- isa…(Para kayong mga nasa construction parang mga sub-contractor hehehhe - Kontra ng kontra)..Magkagayun pa man umabot ng 48 na taon ang inyong pagsasama…Marahil ang sikreto ng kasal ng aking Mama at Daddy ay ang kanilang manakanakang pag aaway, birit at hirit ng asaran at pagkontra…Basta kahit na away kayo ng away ang mahalaga tumagal kayo ng ganyan…


Pindutin mo ang READ MORE ha


Ang pinaka magandang nangyari sa 48 taon ng inyong kasal ay ang pagkakaruon ng 5 mababait at magagandang mga anak at 10 makukulit na mga apo….Mahal na mahal po naming kayo Mama at Daddy…Cease Fire muna po…tutal anibersaryo nyo po…Kailan ipaalala sa kanila kasi may Alzheimer na si Mama at si Daddy at paumpisa na ang sakit na kalimot.
Maraming salamat po sa inyong 2, dahil sa inyo andito ang makulit na si Brown Pinay na patuloy na nagkwekwento ng aking mga eksena, hirit patawa atbp

Read More . . .

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net