Ako si Brown Pinay :) madalas akong magpatawa at magalit, pero mahirap magalit at magpatawa sa Ingles hehehe kaya dito ko ilalabas ang aking hinaing, kakulitan at kahit mga bagay na nakakapagpasaya sa akin :D Mabuhay!!! Maligayang pagdating sa aking Tagalog blog...dahil hindi lahat ng oras puro Inglesan hehehe
Ang May Akda
Tawagin mo akong Brown Pinay at ito ang aking Tagalog blog.
Isa na namang pektyur ang naglanding sa aking Inbox matapos ang kasagsagan ng bagyong si Pedring. Nung una hindi ko magets. pero nung izoom out ko waaa ayun o - "ang mahiwagang panteehhhh ni ate" - hala ka si Ate, magagalit si Lola, bawal magbasa ang may regla.Nakakaloka.
Naku ate, payong kapatid, huwag na huwag as in never mo nang isuot ang damit na ito at baka ma "DA Who" ka ng sambayanan. pero in fairness ang ganda ng belt - akin na lang yang outfit mo.
Disclaimer: ang litrato pong ito ay hindi sa akin, ito ay mula sa malikhaing konsepto nang isang tao at naipasa pasa na as forwarded email at FB Share.
Naglanding itong pektyur na ito as a forwarded email, nung una natawa ako. Nasambit ko tuloy, UUNGAS...anong laban nila sa Pinas ang bus natin sa kalye mala amphibian. O san ka pa, laban ka sa Pinas.
Disclaimer: ang litrato pong ito ay hindi sa akin, ito ay mula sa malikhaing konsepto nang isang tao at naipasa pasa na as forwarded email at FB Share.
Kung libang sa aking kabaklaan at patawa mode ang mga taong nakapaligid sa akin, hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang aking Tyang Senadora Miriam Defensor Santiago....
Havey na havey, palong palo ang kanyang pick-up lines
Katawa ng binasa pa ng senadora ang nagpadala sa kanya ng twitter message sa kasagsagan ng laban ni Shamcey Supsup sa Ms. Universe 2011 - " ‘Para fair ang labanan, magpadala tayo ng interpreter sa Miss Universe. Ipadala natin si Senator Miriam Santiago’," "
Ito pa ang mga patok na pick-up lines ni Madam Miriam ginanap na forum sa UP Diliman on the Reproductive Health bill.
- "Sana cardiologist ka na lang, para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko - "Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula: U N I." - "Maglaro tayo ng kahit ano, huwag lang taguan. Kasi someone like you is hard to find. - "Sana naka off ang ilaw para tayo na lamg mag ON." - "Nakalimutan ko pangalan mo eh, pwede ba kitang tawaging akin? - Pag wala ka ang buhay ko ay parang lapis na di pa natatasahan...POINTLESS
Kung meron syang Pick-up Lines meron din syang Taray Lines - mga hirit na tarozzzz
- "When someone told me 'Ang ganda mo.' I answered, 'Sana ikaw rin. - “Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko panget ka” - At a swimming pool, remember in UP PE is swimming Classmate 1:Lulutang ka sa pool | Clasmmate 2:Dahil payat ako? | A:No, dahil plastic ka
Yung ibang jokes nya recycled na pero ganun pa man iba pa din pag si Miriam ang bumitaw. Idol ka talaga Madam Miriam, ayan may kakumpitensya na tuloy si Vice -Ganda hehehheeh....
At matapos nyang magdeliver ng kanyang patok na pick up lines at taray lines, kuha na nya ang attention ng buong tao sa hall, kaya talaga namang matamang nakikinig sa kanyang pagtalakay sa isyu ng RH Bill..
Natuwa ako dahil isa ako sa naniniwala sa RH Bill, pero mas natuwa ako kasi palong palo ang mga banat, hirit at patawa ng bibang senadora.Basahin mo ang aking critical na banat : dito : My Point of View on RH Bill
Mga kapatid nagbabalik ang inyong Auntie Biotic he he he. Tamang tama may nadiscover ang mga babaeng bakla sa opisina. Isang pelikula na maituturing na “pasok sa banga” ng dekada. Well, wapakels ako sa mga cinematic chenez, ang sa akin pasok ito sa entertainment value.
Ito ay ang soon to be showing na pinagbibidahan ng aking paborito na si Anne Curtis, ng papable na si Derek Ramsey at ng love ko din na si Kristine Reyes. Malamang sa alamang, markado ang mga eksena. Palong palo ang mga dayalogo na kaiibigan nang sang katauhan pati ng sangkabaklaan.
Kung ang ating gobyerno ay may anti-piracy, anti graft and corruption, at sa lahat na ata ng klase ng anti na maiisip mo. Ibahin mo sa aming opisina dahil meron kaming ANTI KABET move dun. Samahan ng mga mrs at dalagang galit sa KABET, KABET na mahilig sumabet sa my sabit hehehehe.
At dahil subalit dapatwat ang pelikulang NO OTHER WOMAN ay kumakatawan sa aming mga adhikain ha ha ha…napagpulungan ng komite de peste-jo na magmega watch kaming lahat – as in sabay sabay in full force.
Trailer pa lang kembot na. Must see for mga Misis na martyr, asawang malikot sa aparato at KABET na sumasabit. Well, baka pagkapanuod naming nito ay mag iba ang perspektib naming sa KAVET, baka sakaling bumait kami…
Pero wait hold back your horses, hindi pa din kahit pa love ko si Anne Curtis.
Love ko yung palitan ng dialogue ni Carmi (the mudra) at Kristine (this time the patweetums na wifey) ask ni Kristine sa mudra nya kung ano ang madaling kalaban ng powtang mayaman at powtang mahirap…swakto ang sagot ni Carmi the mudra. "Wala daw! Pare-parehong powtah lang yun!----hango sa No Other Woman"…nampowtah panalo sa linya weeee kapupulutan ng aral he he hehe…
Wagi din ang linya ni Carmi na " “ang mundo ay isang malaking Quiapo, madaming snatcher, maaagawan ka.”" Panalo ang bawat linya sa pelikulang No Other Woman.
Isa din nga itong wake up col sa mga martyr na wifey na I-pack up mo si Lucy Torres, ilabas mo na si Gretchen Barretto, ako na ang bahala sa red stilettos mo…
At para naman sa husband (at kahit na din mga wifey) na may sabet pero sumasideline, watch ka din para makita mo ang emotional turmoil na dala mo both sa wifey mo and kabetchi mo…at para magsecond thought ka, si Derek ka? Haler ahmmmmmmmmp. Magulo ka.
Sa byenan ng husband na nagloloko watch ka din, para makakuha ka nang mga techineki kung paano mo gagatungan ang martyr mong anak.
At sa iyo KABETCHING, watch ka nito. Malay mo ito na ang hinihintay mong wake up col ng iyong pagbabagong buhay. Alam kong hindi ka naman masama nadevelop ka lang ng di mo sadya. Tama Ba? Sige pagbigyan ko lame excuse mo. Pero gurl anuver….There is life waiting for you, yung para sa iyo lang. Wala kang kahati at walang kaagaw. Sa ganyang eksena…win win ka dyan o d ba?
Dahil mahiram ko lang ang linya ng aking kumareng Rowie…”ang KABET ay KABET at kailanman mananatiling KABET. At dahil KAVET nga masasaktan ka lng dahil ang hiram ay hiram at kailaman ay hindi magiging iyo…”dagdagan ko ang linya ha…”at sakali mang maging iyo sya, hindi hiram yun dahil ang tawag dun AGAW."
Censya na sa mambabasa pumalo ang bakla meter ng inyong Brown Pinay ang inyong Auntie Biotic ..libang lang kasi ako at palong palo, havey na havey yang trailer ng no other woman.
Disclaimer lang, wala akong pinanggagalingan, baka magtaka ka why ako bitter ampalaya ha ha ha…i am very happy with my hubby kumbaga…ito ay isang wake up col lang nagpaparinig lang po he he he..bakamakasagip pa ng isang pamilya at isang babae na nanghihiram.
Patawa lang ito pero sana may mahagip…Kung ikaw ay KABET at natamaan ka para nga sa iyo ito…sana nga ay matamaan ka ng pagbabago at makapag umpisa ulit…time to be really happy. Kuha ka ng para lang sa iyo wala kang kaagaw wala kang intindihin ng kunsensya. Kuha ka ng pwd mo lagyan ng asset tag na sa iyo sya…kuha mo…
At dahil nga it takes two to tango sana matamaan din ang mga husbandry/wifey na mahilig sumideline…pero para sa akin, it takes to tango kaya kung lalayo na ang isa wala ng tango tango para hindi makabingo..kuha mo din?
O sya…pagnawatch kona abangan mo pa ang aking wento. Baka magkatwist sa ending....
Pwede mo din ito share itong link sa FB wall at twitter mo kung gusto mo lang…hindi ito advocacy…baka sakali lng he he he
Pagnapadpad ka naman dito sa aking blog, iwan ka ng message....(lalo ka na idol Anne Curtis at Kristine , at kung hindi naman kalabisan pati na din ikaw papa Derek hehehhehehe).
O paano walang pikunan, ang tamaan "Kavet", mapikon talo...
Matapos mong matutunan ang aking salitang babaylan na "WAPAKELS ", nais ko namang ibahagi ang isa pang makulay na bokabolaryo na maari mong magamit sa iyong pang-araw araw na pamumuhay...
Ang ating mahiwagang Word for the day ay:
Imbyerna Kamote - salitang babaylan na ibig sabihin ay "Kainis", "Kairita", "KabwiSHIT"
Use in a sentence: Lumayo layo ka sa aking harapan lalo na pag ganitong ako ay Imbyerna Kamoteat baka hindi kita matantya...
O taray ng Dyosa di ba....
Lagi mong isaulo ang aking mga Word for the Day...gaya nga ng sabi ni Zenaida Seva " Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL" bwahahahhaha
Sakto!!! Palong palo, to the rescue ka talaga Mommy Rubz…ang aking Tagalong Patawang Blog ay naghahanap ng mga kaibigan…para naman madama kong may nagbabasa din naman ang aking mga hirit ditto….at dahil swakto nga..May I join ako ditto sa Weekend Blog Follower Caravan # 21