Post

No Other Woman - A Must See Movie for Martyr na Wifey and Nakikisahare na Kabetchi...

Mga kapatid nagbabalik ang inyong Auntie Biotic he he he. Tamang tama may nadiscover ang mga babaeng bakla sa opisina. Isang pelikula na maituturing na “pasok sa banga” ng dekada. Well, wapakels ako sa mga cinematic chenez, ang sa akin pasok ito sa entertainment value.
   
Ito ay ang soon to be showing na pinagbibidahan ng aking paborito na si Anne Curtis, ng papable na si Derek Ramsey at ng love ko din na si Kristine Reyes. Malamang sa alamang, markado ang mga eksena. Palong palo ang mga dayalogo na kaiibigan nang sang katauhan pati ng sangkabaklaan.

Kung ang ating gobyerno ay may anti-piracy, anti graft and corruption, at sa lahat na ata ng klase ng anti na maiisip mo. Ibahin mo sa aming opisina dahil meron kaming ANTI KABET move dun. Samahan ng mga mrs at dalagang galit sa KABET, KABET na mahilig sumabet sa my sabit hehehehe.

At dahil subalit dapatwat ang pelikulang NO OTHER WOMAN ay kumakatawan sa aming mga adhikain ha ha ha…napagpulungan ng komite de peste-jo na magmega watch kaming lahat – as in sabay sabay in full force.



Trailer pa lang kembot na. Must see for mga Misis na martyr, asawang malikot sa aparato at KABET na sumasabit. Well, baka pagkapanuod naming nito ay mag iba ang perspektib naming sa KAVET, baka sakaling bumait kami…

Pero wait hold back your horses, hindi pa din kahit pa love ko si Anne Curtis.

Love ko yung palitan ng dialogue ni Carmi (the mudra) at Kristine (this time the patweetums na wifey) ask ni Kristine sa mudra nya kung ano ang madaling kalaban ng powtang mayaman at powtang mahirap…swakto ang sagot ni  Carmi the mudra. "Wala daw! Pare-parehong powtah lang yun! ----hango sa No Other Woman"…nampowtah panalo sa linya weeee kapupulutan ng aral he he hehe…


Wagi din ang linya ni Carmi na " “ang mundo ay isang malaking Quiapo, madaming snatcher, maaagawan ka.”" Panalo ang bawat linya sa pelikulang No Other Woman.
  • Isa din nga itong wake up col sa mga martyr na wifey na I-pack up mo si Lucy Torres, ilabas mo na si Gretchen Barretto, ako na ang bahala sa red stilettos mo…
  • At para naman sa husband (at kahit na din mga wifey) na may sabet pero sumasideline, watch ka din para makita mo ang emotional turmoil na dala mo both sa wifey mo and kabetchi mo…at para magsecond thought ka, si Derek ka? Haler ahmmmmmmmmp. Magulo ka.
  • Sa byenan ng husband na nagloloko watch ka din, para makakuha ka nang mga techineki kung paano mo gagatungan ang martyr mong anak.
  • At sa iyo KABETCHING, watch ka nito. Malay mo ito na ang hinihintay mong wake up col ng iyong pagbabagong buhay. Alam kong hindi ka naman masama nadevelop ka lang ng di mo sadya. Tama Ba? Sige pagbigyan ko lame excuse mo. Pero gurl anuver….There is life waiting for you, yung para sa iyo lang. Wala kang kahati at walang kaagaw. Sa ganyang eksena…win win ka dyan o d ba?

Dahil mahiram ko lang ang linya ng aking kumareng Rowie…”ang KABET ay KABET at kailanman mananatiling KABET. At dahil KAVET  nga masasaktan ka lng dahil ang hiram ay hiram at kailaman ay hindi magiging iyo…”dagdagan ko ang linya ha…”at sakali mang maging iyo sya, hindi hiram yun dahil ang tawag dun AGAW."

Censya na sa mambabasa pumalo ang bakla meter ng inyong Brown Pinay ang inyong Auntie Biotic ..libang lang kasi ako at palong palo, havey na havey yang trailer ng no other woman.

Disclaimer lang, wala akong pinanggagalingan, baka magtaka ka why ako bitter ampalaya ha ha ha…i am very happy with my hubby kumbaga…ito ay isang wake up col lang nagpaparinig lang po he he he..bakamakasagip pa ng isang pamilya at isang babae  na nanghihiram.

Patawa lang ito pero sana may mahagip…Kung ikaw ay KABET at natamaan ka para nga sa iyo ito…sana nga ay matamaan ka ng pagbabago at makapag umpisa ulit…time to be really happy. Kuha ka ng para lang sa iyo wala kang kaagaw wala kang intindihin ng kunsensya. Kuha ka ng pwd mo lagyan ng asset tag na sa iyo sya…kuha mo…

At dahil nga it takes two to tango sana matamaan din ang mga husbandry/wifey na mahilig sumideline…pero para sa akin, it takes to tango kaya kung lalayo na ang isa wala ng tango tango para hindi makabingo..kuha mo din? 

O sya…pagnawatch kona abangan mo pa ang aking wento. Baka magkatwist sa ending....

Pwede mo din ito share itong link sa FB wall at twitter mo kung gusto mo lang…hindi ito advocacy…baka sakali lng he he he


Pagnapadpad ka naman dito sa aking blog, iwan ka ng message....(lalo ka na idol Anne Curtis at Kristine , at kung hindi naman kalabisan pati na din ikaw papa Derek hehehhehehe).


O paano walang pikunan, ang tamaan "Kavet", mapikon talo...

  

Kainis naman! ginawang kabit si Anne! I love her, sana si Kristine nalang ung kabet! I don't like her. LOL! :D Pero syempre dun ako sa legal wife! ahahaha

Sana may nasagasaan ka sa post na to para makapgbagong buhay naman... :D

Iba ka talaga bakla haha! Sa post mo ako naaliw eh hahaha!

super love ko ang post mo mommy, kung meron akong pustiso nalaglag na sa kakatawa! hehe :D

ahehehe.. wahi ang post na ito.. super like Mommy! ;-)

nakakatawa naman itong post mo sis! naaliw ako talaga :-)

Aliw sa post hahaha. Lab you Mommy C! At syempre, kampi sa legal wife!

pasok sa kahit anung size ng banga! ♥

hello! i love also yung mga lines ni carmi martin...grabe yun, i laaahhhvvveeettt!!! sayang nga lang at ang role ni anne eh other woman. and I agree sa lahat ng sinabi mo lalo na dun sa mahihilig pumapel sa mga may asawa. hahaha! parang may alam. hahaha! i love your blog...i will definitely follow you...aliw ako dito. hahaha!

para sa kaibigan kong magbabasa nito, te, mabait ka talaga...kung ikaw na pinepeste nya, lumaban ka! ilampaso mo sahig at ingudngod sa pader! lol

Paramdam ka naman, masarap malaman na binisita ako ng isang kaibigan...

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net