Archives

Post

Icko Kulit: Demanding Girls Daw

Eksena naganap nuong April 15, 2011
Me (Mama) : Icko maglinis ka na ng katawan
Maid: Sige na Icko lilinisan na kita
Icko: Sandali lang po
Me: Icko, now na icko
Icko: Ang mga girls talaga noh mama demanding

Another Icko Kulit Moment hehehhe





Read More . . .

Post

BAGWA o' BANGAW



Likas na patawa talaga ang aking munting Kukoy, ito sundan mo na naman ang isang eksena sa aming buhay.....


Eksena with my son Patrick :
Icko: Mama look may "BAGWA"
Me: Huh!! ANong bagwa (syempre natakot me kasi akala ko sa fengshui na bagwa)
Me: wala naman anak ha (takot sa moomoo tone hehehhe)
Icko: Ayan o mama (galit na tone na hehehhee)
Me and Ate Patrixia : Ahhhhhhhhhhh "BANGAW"
tama po kayo bangaw na lilipad lipad ....hay naku kukoy

Read More . . .

Post

Hello LOGISTICS (Workaholic????)

Mga kapatid di ko alam kung workaholic nga ba ako o' mali-mali hehehhe.. Naranasan nyo na ba ito?



Read More . . .

Post

DPWH Officials Photoshopped Picture Scandal

Hay naku anak ng puto ano na naman ito, alam kong panis na ang balita na ito pero hayaan mo na ibahagi ko muli dito – sa atakeng alam ko. Madalas sinasabi natin na dapat ang ating mga opisyales sa pamahalaan ay kumikilos at may ginagawa sa ikauunlad ng ating bansa at para sa ikasusulong ng ating pag unlad.

Pero ano ito, ano ito na pinagpyesatahan ng madlang pipol matapos ang bagyong si Pedring. Anak ng peklat, nakakahiya naman talaga. Ang mga opisyales ng DPWH ay namataan na nasa may sinalantang bahagi ng baywalk sa Manila Bay. OK na sana sa Olryt kaso nabuking ng madlang pipol na Photoshop edited pictures pala…bwahahahaha kakahiya naman talaga. Nakakahiya na, nakakatawa pa, hindi man lang kumuha ng bihasa sa pag photo editing malay mo nakalusot pa. Tsk, Tsk, Tsk desperado? E paano namang hindi mabubukelya, eh kailan ba lumutang ang tao. Anu kayo defying gravity? Ang pagkakacrop jusme very elementary. Ano ulit ag tawag dyan - DESPERADO!!!!! (Basahin mo dito)



Pero ang mas nakakatawa, syempre as usual, ang Pinoy winner talaga ang humor. Matapos lumabas ang ma anumalyang DPWH Officials photoshop pics ay madami ng mga naglabasang mga katawa tawang mga larawan (mala Series ng pictures ni Manny Pacquio hehehhe na nagging mistulang chain email na ata). Ang siste naku mas magaling pa ang mga gumawa at ito sila. Tinawag nila itong "DPWH Meme" -   Ang Tres Trios o Tatlong Itlog pala ay makikita na din sa…..

Ang mga larawan na ito ay hindi po akin at dahil masipag ako ito po ay nasagap ko sa Internet...

nakipag reunion sa buwaya

andun sila sa paglanding ni McArthur - aba sayang ang publicity dapat andun sila

 nakihalubilo sa last supper
andun din sila nang naglabanan ang mga pulis pangkalawakan

syempre witness din sila sa first man in the moon bale sila ang pang 2nd, 3rd at 4th

ito hindi ito photoshop - at dahil lumevel up na sila may cake version na din sila hehehe


 Hay naku at madami pa nyan  subukan mong isearch sa Google ang DPWH Photo Scandal, DPWH Meme, DPWH Photoshop at madami ka pang makikitang Los Trios Version na sadyang mas improved kaysa sa original hehhehe.

Hay naku mapapatili ka talaga - Only in the Philippines


Read More . . .

Post

Birthday ng Bida - Maligayang Kaarawan Icko

Ang araw na ito ay lubhang mahalaga, dahil kaarawan ng aking bida...Opo kaarawan ng aking si Icko Kulit, ang aking inspirasyon sa paggawa ng blog na ito....At bakit naman hindi, kung ikaw ay tambay dito alam na alam mo na magaling humirit ng patawa ang aking anak.  Kanino pa ba magmamana eh di sa nanay na ubod ng ganda hehehheh....



Ang akala ko hindi ka na hihirit anak, pero humirit ka pa din sa iyong kaarawan, wagi ka talaga anak wala kang kupas hehehhe



Happy 8th Birthday Kukoy!!!


(Manahin mo ang kanyang kakulitan dito : Icko Kulit)


Isa pang pagbati :Happy 8th Birthday My Icko


Read More . . .

Post

Maligayang 18th Birthday sa Aking Mala Prinsesang Anak - Ishi


Kay bilis ng panahon, parang kailan lang, at ngayon ang inyong butihing Ate ay may dalaga na.....Imagine that ang inyong Dyosa ay nanganak ng Prinsesa.  Waaaaa dalaga na ang aking si Ishi, ibig sabihin matanda na ang kanyang nanay.  Pero OK sa alright ang sarap atang maging nanay.

Wala ba kayong napapansin sa aking dalaga, madalas eh sinasabi nila na kamukha sya ni Assunta De Rossi, OO naman kasi anak yan ni Assunto hahahhaha.. Sana lang nga kamukha ko sya, pero parang mas kamukha nya ang kanyang Papa. Pero carry lang pag pinupuri sya parang ako na din ang maganda kahit hindi hehehhe dahil galing sya sa akin - kaya makikisakay na lang ang nanay.

Pero too much of my kwento, my Ishi, be a good girl ha, ang buhay ay parang life....Basta tandaan mo andito lang kami ni papa, mama at Icko.  Tuklasin mo ang buhay......


Read More . . .

Post

Basang Basa sa Ulan - Si Ate at ang Mahiwagang Panteeehhhh


Isa na namang pektyur ang naglanding sa aking Inbox matapos ang kasagsagan ng bagyong si Pedring. Nung una hindi ko magets. pero nung izoom out ko waaa ayun o - "ang mahiwagang panteehhhh ni ate" - hala ka si Ate, magagalit si Lola, bawal magbasa ang may regla.Nakakaloka.

Naku ate, payong kapatid, huwag na huwag as in never mo nang isuot ang damit na ito at baka ma "DA Who" ka ng sambayanan. pero in fairness ang ganda ng belt - akin na lang yang outfit mo.

Disclaimer: ang litrato pong ito ay hindi sa akin, ito ay mula sa malikhaing konsepto nang isang tao at naipasa pasa na as forwarded email at FB Share.
Smilie laughing

Read More . . .

Post

Laban ka sa Pinas?


Naglanding itong pektyur na ito as a forwarded email, nung una natawa ako. Nasambit ko tuloy, UUNGAS...anong laban nila sa Pinas ang bus natin sa kalye mala amphibian. O san ka pa, laban ka sa Pinas.

Disclaimer: ang litrato pong ito ay hindi sa akin, ito ay mula sa malikhaing konsepto nang isang tao at naipasa pasa na as forwarded email at FB Share.

Rolling laughter animated emoticon

Read More . . .

Post

Para sa Mga Gwapo

‎...hindi lahat ng gwapo ay may girlfriend....yung iba, ....may boyfriend....


Read More . . .

Post

Sen Miriam Defensor-Santiago Pick Up Lines at Taray Lines

Kung libang sa aking kabaklaan at patawa mode ang mga taong nakapaligid sa akin, hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang aking Tyang Senadora Miriam Defensor Santiago....


Havey na havey, palong palo ang kanyang pick-up lines


Katawa ng binasa pa ng senadora ang nagpadala sa kanya ng twitter message sa kasagsagan ng laban ni Shamcey Supsup sa Ms. Universe 2011 - " ‘Para fair ang labanan, magpadala tayo ng interpreter sa Miss Universe. Ipadala natin si Senator Miriam Santiago’," "


Ito pa ang mga patok na pick-up lines ni Madam Miriam ginanap na forum sa UP Diliman on the Reproductive Health bill.


- "Sana cardiologist ka na lang, para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko
- "Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula: U N I."
- "Maglaro tayo ng kahit ano, huwag lang taguan. Kasi someone like you is hard to find.
- "Sana naka off ang ilaw para tayo na lamg mag ON."
- "Nakalimutan ko pangalan mo eh, pwede ba kitang tawaging akin?
- Pag wala ka ang buhay ko ay parang lapis na di pa natatasahan...POINTLESS


Kung meron syang Pick-up Lines meron din syang Taray Lines - mga hirit na tarozzzz


- "When someone told me 'Ang ganda mo.' I answered, 'Sana ikaw rin.
- “Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko panget ka”
- At a swimming pool, remember in UP PE is swimming Classmate 1:Lulutang ka sa pool | Clasmmate 2:Dahil payat ako? | A:No, dahil plastic ka


Yung ibang jokes nya recycled na pero ganun pa man iba pa din pag si Miriam ang bumitaw. Idol ka talaga Madam Miriam, ayan may kakumpitensya na tuloy si Vice -Ganda hehehheeh....


At matapos nyang magdeliver ng kanyang patok na pick up lines at taray lines, kuha na nya ang attention ng buong tao sa hall, kaya talaga namang matamang nakikinig sa kanyang pagtalakay sa isyu ng RH Bill.. 


Natuwa ako dahil isa ako sa naniniwala sa RH Bill, pero mas natuwa ako kasi palong palo ang mga banat, hirit at patawa ng bibang senadora.Basahin mo ang aking critical na banat : dito : My Point of View on RH Bill


Kung hindi ka pa solve  panuorin mo ito:




Read More . . .

Post

No Other Woman - A Must See Movie for Martyr na Wifey and Nakikisahare na Kabetchi...

Mga kapatid nagbabalik ang inyong Auntie Biotic he he he. Tamang tama may nadiscover ang mga babaeng bakla sa opisina. Isang pelikula na maituturing na “pasok sa banga” ng dekada. Well, wapakels ako sa mga cinematic chenez, ang sa akin pasok ito sa entertainment value.
   
Ito ay ang soon to be showing na pinagbibidahan ng aking paborito na si Anne Curtis, ng papable na si Derek Ramsey at ng love ko din na si Kristine Reyes. Malamang sa alamang, markado ang mga eksena. Palong palo ang mga dayalogo na kaiibigan nang sang katauhan pati ng sangkabaklaan.

Kung ang ating gobyerno ay may anti-piracy, anti graft and corruption, at sa lahat na ata ng klase ng anti na maiisip mo. Ibahin mo sa aming opisina dahil meron kaming ANTI KABET move dun. Samahan ng mga mrs at dalagang galit sa KABET, KABET na mahilig sumabet sa my sabit hehehehe.

At dahil subalit dapatwat ang pelikulang NO OTHER WOMAN ay kumakatawan sa aming mga adhikain ha ha ha…napagpulungan ng komite de peste-jo na magmega watch kaming lahat – as in sabay sabay in full force.



Trailer pa lang kembot na. Must see for mga Misis na martyr, asawang malikot sa aparato at KABET na sumasabit. Well, baka pagkapanuod naming nito ay mag iba ang perspektib naming sa KAVET, baka sakaling bumait kami…

Pero wait hold back your horses, hindi pa din kahit pa love ko si Anne Curtis.

Love ko yung palitan ng dialogue ni Carmi (the mudra) at Kristine (this time the patweetums na wifey) ask ni Kristine sa mudra nya kung ano ang madaling kalaban ng powtang mayaman at powtang mahirap…swakto ang sagot ni  Carmi the mudra. "Wala daw! Pare-parehong powtah lang yun! ----hango sa No Other Woman"…nampowtah panalo sa linya weeee kapupulutan ng aral he he hehe…


Wagi din ang linya ni Carmi na " “ang mundo ay isang malaking Quiapo, madaming snatcher, maaagawan ka.”" Panalo ang bawat linya sa pelikulang No Other Woman.
  • Isa din nga itong wake up col sa mga martyr na wifey na I-pack up mo si Lucy Torres, ilabas mo na si Gretchen Barretto, ako na ang bahala sa red stilettos mo…
  • At para naman sa husband (at kahit na din mga wifey) na may sabet pero sumasideline, watch ka din para makita mo ang emotional turmoil na dala mo both sa wifey mo and kabetchi mo…at para magsecond thought ka, si Derek ka? Haler ahmmmmmmmmp. Magulo ka.
  • Sa byenan ng husband na nagloloko watch ka din, para makakuha ka nang mga techineki kung paano mo gagatungan ang martyr mong anak.
  • At sa iyo KABETCHING, watch ka nito. Malay mo ito na ang hinihintay mong wake up col ng iyong pagbabagong buhay. Alam kong hindi ka naman masama nadevelop ka lang ng di mo sadya. Tama Ba? Sige pagbigyan ko lame excuse mo. Pero gurl anuver….There is life waiting for you, yung para sa iyo lang. Wala kang kahati at walang kaagaw. Sa ganyang eksena…win win ka dyan o d ba?

Dahil mahiram ko lang ang linya ng aking kumareng Rowie…”ang KABET ay KABET at kailanman mananatiling KABET. At dahil KAVET  nga masasaktan ka lng dahil ang hiram ay hiram at kailaman ay hindi magiging iyo…”dagdagan ko ang linya ha…”at sakali mang maging iyo sya, hindi hiram yun dahil ang tawag dun AGAW."

Censya na sa mambabasa pumalo ang bakla meter ng inyong Brown Pinay ang inyong Auntie Biotic ..libang lang kasi ako at palong palo, havey na havey yang trailer ng no other woman.

Disclaimer lang, wala akong pinanggagalingan, baka magtaka ka why ako bitter ampalaya ha ha ha…i am very happy with my hubby kumbaga…ito ay isang wake up col lang nagpaparinig lang po he he he..bakamakasagip pa ng isang pamilya at isang babae  na nanghihiram.

Patawa lang ito pero sana may mahagip…Kung ikaw ay KABET at natamaan ka para nga sa iyo ito…sana nga ay matamaan ka ng pagbabago at makapag umpisa ulit…time to be really happy. Kuha ka ng para lang sa iyo wala kang kaagaw wala kang intindihin ng kunsensya. Kuha ka ng pwd mo lagyan ng asset tag na sa iyo sya…kuha mo…

At dahil nga it takes two to tango sana matamaan din ang mga husbandry/wifey na mahilig sumideline…pero para sa akin, it takes to tango kaya kung lalayo na ang isa wala ng tango tango para hindi makabingo..kuha mo din? 

O sya…pagnawatch kona abangan mo pa ang aking wento. Baka magkatwist sa ending....

Pwede mo din ito share itong link sa FB wall at twitter mo kung gusto mo lang…hindi ito advocacy…baka sakali lng he he he


Pagnapadpad ka naman dito sa aking blog, iwan ka ng message....(lalo ka na idol Anne Curtis at Kristine , at kung hindi naman kalabisan pati na din ikaw papa Derek hehehhehehe).


O paano walang pikunan, ang tamaan "Kavet", mapikon talo...

  


Read More . . .

Post

Kasabihan for the Day: Patungkol sa Recycling

Ang pag pili ng kaibigan ay dapat alinsunod sa probisyon ng 
Republic Act 9003:
Ihiwalay ang PLASTIC at ibukod ang BULOK sa di nabubulok


Read More . . .

Post

Word for the Day: Imbyerna Kamote

Matapos mong matutunan ang aking salitang babaylan na "WAPAKELS ",  nais ko namang ibahagi ang isa pang makulay na bokabolaryo na maari mong magamit sa iyong pang-araw araw na pamumuhay...
Smilie laughing

Ang ating mahiwagang Word for the day ay:

Imbyerna Kamote salitang babaylan na ibig sabihin ay "Kainis", "Kairita", "KabwiSHIT"


Use in a sentence: Lumayo layo ka sa aking harapan lalo na pag ganitong ako ay Imbyerna Kamote at baka hindi kita matantya...


O taray ng Dyosa di ba....

Lagi mong isaulo ang aking mga Word for the Day...gaya nga ng sabi ni Zenaida Seva " Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL" bwahahahhaha

Rolling laughter animated emoticon




Read More . . .

Post

Join Ako sa Weekend Blog Follower Caravan # 21

Sakto!!! Palong palo, to the rescue ka talaga Mommy Rubz…ang aking Tagalong Patawang Blog ay naghahanap ng mga kaibigan…para naman madama kong may nagbabasa din naman ang aking mga hirit ditto….at dahil swakto nga..May I join ako ditto sa Weekend Blog Follower Caravan # 21




Syempre papuhay at pasasalamat sa mga generous na sponsors: Coffee on the Side and Walking News Paper.

Sakaling ikaw ay madalaw at mapadpad sa aking blog na hamak...iwan ka naman ng hirit at kumento ng ikaw naman ay aking madalaw......

Read More . . .

Post

Kasabihan for the Day: Wacky Pose


Ang "Wacky Pose"

.....ay tagapantay ng pangit at maganda hehehehheheheh

Read More . . .

Post

Wala Akong Insomnia, Wala Kayong Pruweba Promise (Part 1)

Wala Akong Insomnia, Wala Kayong Pruweba Promise........Anuber wala nga akong INSOMNIA wag kang mapilit....wala kang ibidinsya hmppp....


(O, wag nang umasang chronological order ito ha, at ang hirap kayang magtrack back sa Fezbuk...ang mahalaga wala kang pruweba , wala...wala...wallllllaaaaaa)

(1)
July 31, 2011 - 3:59AM (Linggo-walang pasok)
(2)

July 30, 2011 - 3:12AM (Sabado-walang pasok)
(3)
April 22, 2011 0 4:06AM (Byernes yan at sigurado pumasok akong lutang sa opis)
(4)
April 16, 2011 - 1:54AM (Sabado-walang pasok - at nagawa ko pang mag update 10:17AM ako gumising....buti nagising pa hehehhe)
(5)
April 12, 2011 -  2:31AM (Martes yan at snag-update pa talaga ako na hindi ako nakapasok dahil sa puyat hehehhe)
(6)
April 1, 2011 - 2:07AM (Biyernes na naman - pumasok again ng mukhang Zombie sa opis)
(7)
March 13, 2010 - 3:41AM (nabuking ako ng aking mahal na hubby, maaga nya ako pinapatulog eh....nasa saudi nga pala sya nyan
(8)
February 20, 2011 - 2:21AM (Officially slept at 4:30AM, at dahil hindi ako maawat ng aking mahal na esposo na magpuyat..sinamahan nya ako..."well, if you cannot beat them join them")
(9)
January 16, 2011 - 1:12AM  - para may saysay naman ang aking pagpupuyat wait galore ako sa aking mahal na esposo from his HS reunion - ulirang waswit awardee hehehheh
(10)
November 30, 2010 - 4:51AM  -ito ULTIMATE as in, kahit ako bumilib sa sarili ko, imagine nakapasok pa ako sa opis nito....Ulirang Manggagawang Pinoy...I wonder kung ilan kaya ang nasungitan ko ng araw na ito hehehhe
(11)
October 29, 2010 - 2:16AM - at dahil puyaters madalas ang katumbas ay headache / migraine tsk tsk tsk
(12)
October 17, 2010 - 1:00AM - minsan kainis na din walang pinipiling okasyon, dapat by that time tulog na ako para maganda ako sa party ng junakis ko...hay ang siste naging kamukha ko ang kalaban ni Ben 10 sa laki ng eyebags ahmmmp....




Hay naku....Part 1 pa lang yan abangan ang Part 2....naku 3:22 AM na pala...matutulog na nga muna ako at baka sabihin mo may INSOMNIA ako hehehheh

Read More . . .

Post

Word for the Day : WAPAKELS

At dahil sabi nga nila babaeng bakla ang lola nyo {Opo ako nga po ay isang "babaylan"} uumpisahan ko na po ang aking segment ng blog na ito na tatawagin kong "Word for the Day".  Ito naman ay hindi opisyal, sadyang katuwaan lang naman sabihin nating "salitang babaylan" - wag mo nang iresearch ang katergoryang iyan imbento ko lang yan.


Ang unang salita na aking ibabahagi ko sa inyo ay WAPAKELS


WAPAKELS - salitang babaylan na ibig sabihin ay "DeadMa"; I don't care; Ma/Pa (malay ko / paki ko).


short term for "Walang Paki-alam"


Use in a sentence: Kahit anong gawin mo DeadMa ako sa iyo, maglupasay ka man dyan .WAPAKELS


Yang lang ang unang salitang patikim "Oh ano kuha mo?"




Read More . . .

Post

Bongga ang Sulit.com.ph na paRaffle....Sali na

This is another long over due post which is meant for


Aba bongga isang milyon na pala ang myembro ng sulit.com.ph. At ang mas bongga eh may pasasalamat na raffle sila…At mas bonggang bongga pa to the maximum level ay ang mga bonggang papremyo nila. Saan ka pa!!!


  • 1 unit of Apple iPad2
  • 1 unit of Blackberry Curve
  • 5 gift certificates
  • 10 cell phone load




Ano pang ginagawa mo gaya ko Sali ka na din.Alamin kung paano....


Sulit.com.ph Buy and Sell Philippines


Read More . . .

Post

Galit Galit Muna

Ako po ay nagbabalik pero pasulpot sulpot lang dahil sa sobrang paggapang ang aking internet connection. Ako po ay naka pre-paid na Smart Bro at sadyang Jurassic ang bilis na nakukuha ko na mas nanaisin ko pang umidlip kaysa maghintay ng pagloload…Susme, bago naman ako makasagot sa mga FB stat ng aking mga kaibigan ay panis na ang balita, kaya habang wala pa akong matinong kuneksyon galit galit muna tayo hehehhe

Read More . . .

Post

Lipat Bahay Muna ang Inyong Bloggera



Pero pangako ako ay babalik pagnaka unat unat sa pagliligpig...matapos ang walang kamatayang pag-eempake....haharapin ko naman ang walang katapusang pagliligpit. waaaaaa

Read More . . .

Post

Happy Mother's Day sa Lahat ng Inay sa WHole Wide Universe...





Ang pagiging INA, hindi yan facebook na pwede kang magLOG-OUT kapag tapos ka ng mag-update. Hindi din yan parang panunuod ng movie na pwede mong i-PAUSE kapag may gusto kang gawin saglit, at hindi pwedeng i-STOP kapag ayaw mo na. Hindi yan trabaho na may DAY-OFF at may SAHOD. At mas lalong hindi ka pwedeng magRESiGN.


Dahil ang pagiging INA ay isang dakilang propesyon at PANGHABANGBUHAY na kontrata.

Read More . . .

Post

Maligayang Kaarawan sa Aking Mahal na Esposo

At dahil kaarawan mo ang aking tanging maiaalay sa iyo ay ang aking "Tapat na Pagmamahal"







Read More . . .

Post

Pagninilaynilay : Papuri sa Diyos


Papuri sa Diyos na makapangyarihan, salamat sa pag ako ng aming mga kasalanan... Salamat Panginoon at sa Mahal Na Araw na ito aming gugunitain ang pagmamahal na Iyong patuloy na ibinibigay sa aming mga anak Mo…Patawad sa aking mga pagkakasala, nawa’y patuloy mo kaming gabayan tungo sa mabuting buhay…

Read More . . .

Post

Maligayang 48 Anibersaryo sa Aking Ama at Ina


Maligayang 48 Anibersaryo po sa aking mga Mahal na Magulang. Sa aking paglaki, parati ko kayong nagkikita na nagtatalo, madalas ay kumokontra sa isat- isa…(Para kayong mga nasa construction parang mga sub-contractor hehehhe - Kontra ng kontra)..Magkagayun pa man umabot ng 48 na taon ang inyong pagsasama…Marahil ang sikreto ng kasal ng aking Mama at Daddy ay ang kanilang manakanakang pag aaway, birit at hirit ng asaran at pagkontra…Basta kahit na away kayo ng away ang mahalaga tumagal kayo ng ganyan…


Pindutin mo ang READ MORE ha


Ang pinaka magandang nangyari sa 48 taon ng inyong kasal ay ang pagkakaruon ng 5 mababait at magagandang mga anak at 10 makukulit na mga apo….Mahal na mahal po naming kayo Mama at Daddy…Cease Fire muna po…tutal anibersaryo nyo po…Kailan ipaalala sa kanila kasi may Alzheimer na si Mama at si Daddy at paumpisa na ang sakit na kalimot.
Maraming salamat po sa inyong 2, dahil sa inyo andito ang makulit na si Brown Pinay na patuloy na nagkwekwento ng aking mga eksena, hirit patawa atbp

Read More . . .

Post

Kasabihan for the Day : Prinsipyo by Bob Ong


“Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nakatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“ - Bob Ong

Read More . . .

Post

Mga Tips at Payo : Sa Mga DI Madunong Magluto


Word of Wisdom para sa mga ka FB ko na di madunong magluto : Kapag nag-iba lasa ng niluluto mo, ibahin mo ang pangalan para di mahalatang naiba lasa hehehhehe

Read More . . .

Post

Banat : Corruption sa Pinas


Nakakalungkot isipin na parang mismong ang ating gobyerno ay isang sindikato na nagpapahirap mismo sa ating mga Pilipino. Ang mga katulad kong manggagawang Pilipino ay nagbabayad ng tamang buwis huwag naman sana waldasin.Naway mag umpisa na ang reporma daan sa matuwid

Pindutin mo ang READ MORE ha

Huwag naman sana puro imbistigasyön. dapat ay magkaruon ng resolusyon. dapat managot ang mga may kasalanan

Ito ay aking isinulat nung kasagsagan ng isyu ng corruption sa militar. Tunay na nakakalungkot dahil ang ating bansa ay patuloy na naghihirap. Ang mga nakaupo ay patuloy na yumayaman, aking tapat na panalangin na imulat nila ang kanilang mga mata upang makita ang isang hubad na katotohanan na ang Pilipinas ay sadlak na sa kahirapan.

Read More . . .

Post

Eksena sa FX: Nang Antukin si Kumare

hay naku hanep itong katabi ko s fx.kanina ko pa tinatabig sarap na sarap humimlay ang ulo sa balikot ko.Hay naku miss wag mo lang akong tutuluan ng laway.Pangako mamaya na kita gigisingin pagdating natin sa ortigas.

Read More . . .

Post

Eksena sa FX: Wag kang Maningit


Eksena: matapos ang isang mahabang pila s FX sa wakas makakasakay na ako. Ako ang panghuli sa sampuan ng biglang ng ako ay papasakay n may babaeng nambalya.Sabi ko Miss may pila.Sabi nya late n kc ako.Me:Parehas lang tayong late.Sabay balya s froglet.


Pindutin mo ang READ MORE ha

Hindi po ako suplada sadyang nairita lang ako sa mga taong ganyan, hindi man lang sina alang alang ang mga taong nagtyagang pumila. Late ka na pala, eh di dapat inagahan mo, magkataong parehas tayong late ang kaibahan nga lang natin pumila ako...pero magkagayun man late pa din

Read More . . .

Post

May Kasabihan Po Tayo : Ang Kasabihan ng Taong Walang Pera

Kasabihan for the day : Magbiro na sa taong lasing at bagong gising...wag lang sa taong walang pera...

Read More . . .

Post

Icko Kulit : Anak ka nga ng Blogger


Nagulat ako sa text ng aking bunsong si Patrick Allan Pagcaliwagan -"Mama, gumawa ako ng website, kaya lang in-X ko na"- HUh ang aking 7 y/o na bunso gumagawa ng website! ang sabi ng kanyang ate Patrixia Pagcaliwagan, gumagawa daw si patrick sa wordpress heheheh kaso nalito...inabandon....Wow-anak ka nga ng nanay mo - anak ka ng blogger - anak ka ni Brown Pinay

Read More . . .

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net