Post

DPWH Officials Photoshopped Picture Scandal

Hay naku anak ng puto ano na naman ito, alam kong panis na ang balita na ito pero hayaan mo na ibahagi ko muli dito – sa atakeng alam ko. Madalas sinasabi natin na dapat ang ating mga opisyales sa pamahalaan ay kumikilos at may ginagawa sa ikauunlad ng ating bansa at para sa ikasusulong ng ating pag unlad.

Pero ano ito, ano ito na pinagpyesatahan ng madlang pipol matapos ang bagyong si Pedring. Anak ng peklat, nakakahiya naman talaga. Ang mga opisyales ng DPWH ay namataan na nasa may sinalantang bahagi ng baywalk sa Manila Bay. OK na sana sa Olryt kaso nabuking ng madlang pipol na Photoshop edited pictures pala…bwahahahaha kakahiya naman talaga. Nakakahiya na, nakakatawa pa, hindi man lang kumuha ng bihasa sa pag photo editing malay mo nakalusot pa. Tsk, Tsk, Tsk desperado? E paano namang hindi mabubukelya, eh kailan ba lumutang ang tao. Anu kayo defying gravity? Ang pagkakacrop jusme very elementary. Ano ulit ag tawag dyan - DESPERADO!!!!! (Basahin mo dito)



Pero ang mas nakakatawa, syempre as usual, ang Pinoy winner talaga ang humor. Matapos lumabas ang ma anumalyang DPWH Officials photoshop pics ay madami ng mga naglabasang mga katawa tawang mga larawan (mala Series ng pictures ni Manny Pacquio hehehhe na nagging mistulang chain email na ata). Ang siste naku mas magaling pa ang mga gumawa at ito sila. Tinawag nila itong "DPWH Meme" -   Ang Tres Trios o Tatlong Itlog pala ay makikita na din sa…..

Ang mga larawan na ito ay hindi po akin at dahil masipag ako ito po ay nasagap ko sa Internet...

nakipag reunion sa buwaya

andun sila sa paglanding ni McArthur - aba sayang ang publicity dapat andun sila

 nakihalubilo sa last supper
andun din sila nang naglabanan ang mga pulis pangkalawakan

syempre witness din sila sa first man in the moon bale sila ang pang 2nd, 3rd at 4th

ito hindi ito photoshop - at dahil lumevel up na sila may cake version na din sila hehehe


 Hay naku at madami pa nyan  subukan mong isearch sa Google ang DPWH Photo Scandal, DPWH Meme, DPWH Photoshop at madami ka pang makikitang Los Trios Version na sadyang mas improved kaysa sa original hehhehe.

Hay naku mapapatili ka talaga - Only in the Philippines

Paramdam ka naman, masarap malaman na binisita ako ng isang kaibigan...

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net