Archives

Post

Let It Go, Let It Go....

At dahil usong uso ang FROZEN, ito ang makatotohanan na "LET IT GO, LET IT GO.

NaFROZE?



The illustration is not mine, credit goes to the owner of the pic.



Read More . . .

Post

Ang PRESYO ng MERALCO...Taas Baba

Ang Presyo ng MERALCO 
Sa mata ng mga kawawang consumers...


Read More . . .

Post

Sige FB pa....

Sige FB pa maya maya magselfie ka pa para maitweet at Instagram mo pa hehehhe...


Read More . . .

Post

Napoles sa Payslip Mo

Kaya naman pala kuba na ang Hamak na Mangagawang Pinoy.  Aside from the tax, anak ng puto, Anyare? Dyan ka pala Napoles


Maiba naman, I do not know who is responsible for this pic (credits goes to the owner) but the next time na makuha nyo ang inyong payslip check it out thoroughly hehehehe, this is Funny yet sad with a tinge of truth, not included are add on hidden charges brought upon by some scrupulous corrupts in the government. Hay


Read More . . .

Post

Lagot si Jollibee, Ipapatawag sa Senado


Hala lagot si Jollibee dahil sa isiniwalat ni Jinggoy Estrada sa kanyang priveleged speech sa Senado ukol sa maanomalyang partisipasyon ni Jollibee sa pagpapakain na over pricing.

Go Jollibee isulong ang katotohanan sa Senado. Makibaka wag MagBaboy...

Read More . . .

Post

Global Warming ba Ika Mo?


Global Warming ba Ika Mo?

Read More . . .

Post

NOYNOYING in Action

Super akong napahagalpak ng tawa nung napanuod ko ito sa news…

Laos na ang owling at planking, IN na ang Noynoying.

Iba talaga ang mga Pinoy magpa uso, simple pero rock. Patawa pero may patama

Ang “Noynoying” daw ayon kay Vencer Crisostomo, national chairperson ng youth group Anakbayan, is “when you do nothing when in fact you have something to do”. In tagalong = “Walang ginagawa, pero meron naman pwedeng gawin” In short “Muntanga” lang.


Paano ba ang pormang “Noynoying”? Basta para lang si Juan Tamad look, aantok antok look sabay hikab, tihaya galore = then pasok ka sa Noynoying”. Again in other words = ang projection is dapat “Muntanga” lang = in long Mukhang Tanga look.


So whatcha think? Pasok of Planggak?

So para kayo magabayan gumawa ang AnakBayan ng tamang pagsasagawa ng NoyNoying at ito sya:



Word for the day:

Noynoying= walang ginagawa

Kanoynoyan= kapalpakan

Kanoynoy-noynoyan= nagkukunwaring may ginagawa

MunTanga = Mukhang Tanga

UPDATE:
Ang matindi sa lahat ng katindihan ay umabot na sa WIKIPEDIA ang salitang "NOYNOYING" - anusabe???

Ito sabe:
"Noynoying (pronounced noy-noy-YING )[1] is a protest gimmick in the form of neologism which critics of Philippine President Benigno Aquino III have used to question his work ethic, alleging inaction on Aquino's part on the issues of disaster response and of rising oil prices. A play on the term planking and Aquino's nickname, "Noynoy", Noynoying involves posing in a lazy manner, such as sitting idly while resting their heads on one hand and doing nothing."


That is in long, paano naman ang in short: simple lang  : diumano sabi ni WIKIPEDIA:
"Wala daw tugon at action ang Presidente Noynoy sa isyu ng pagtugon sa kalamidad at patuloy na pagtaas ng presyo ng Oil"

AT again, bilang tugon dito naglabas naman ang Malacanyang ng mga pektyur ng Pangulo na working mood at busy galore sya...



So there you go "NOYNOYING IN ACTION" - yun O.

Smilie laughing

Wellawellawella, ang akin lang naman bilang isang mamayaman na nagbabayad ng tamang buwis, sana lang ay matugunan ang mga pangunahing mga problema ng ating bayan lalo na ang pagsugpo sa kahirapan.

"AKSYON  ang kailangan hindi PAPOGI"



Read More . . .

Post

Happy 19th Wedding Anniversary MAHAL

Ang may-ari ng blog na ito ay lubhang tuwang tuwa sa galak dahil matuk mo 19 years na pala ang nagdaan mula ng sya ay nagsuot ng putting traje de boda sa edad na 20. Kakaibang kasal kasi lahat ng madyodyonda ay naiyak. Kakaiba kasi bago pumunta ang aking waswit sa altar ay nakatikim pa ng jombag sa kanyang mahal na ama at lolo hahahha. Kakaibang kasal kasi ang bride eh pilit na pilit ang smile.


Nung tinitignan ko nga ang aming larawan para lang talaga kaming pinabili ng suka nyahahhaha…


Sarap alalahanin noh.



Happy 19th Wedding Anniversary sa aking mahal na esposo.

Read More . . .

Post

Word for the Day: NINJA

Ngayong araw na ito tuturuan ka naman ng Dyosa ng isang malufet  na acronym.

Word for the Day: "NINJA ( No Income, No Job or Asset).”

Smilie laughing


Translation : PAL - PALamunin...

Use in a sentence: Kaysa magpaka NINJA ka dyan simulan mo nang maghanap ng trabaho.

Lagi mong isaulo ang aking mga Word for the Day...gaya nga ng sabi ni Zenaida Seva " Gabay lamang sila. Mayroon tayong FREE WILL" bwahahahhaha

Rolling laughter animated emoticon



Read More . . .

Post

Palusot ng Mga Manunulot

"Being a third party doesn’t mean that you are destroying a relationship… 

It onlymeans that you make two souls realize that they are not meant to be."
Grumble Grumble

 Palusot ng mga manunulot...PAK, Pak, PAK




KUHA Mo...Getzzzz???


Read More . . .

Post

Joketime No. 1

Teacher: Kids, what is the capital of the Philippines.

Isang Intsik na istudyante raising his hand.

Chinese student: Mam kahit naman po ako intsik "ALAM KONG WALANG CAPITAL ANG PILIPINAS kasi puro UTANG...

Nyahahhaha

Read More . . .

Post

Trono ba Ikamo? - Itong sa iyo

Amfufu....Trono ba Ikamo? - Itong sa iyo..



Hindi po amin ang kasilyas na yan. Ito ay ibinahagi ng Help CDO FB page.

Parang ang hirap naman mag emote pag nasa rurok ka ng trono nyahahhaha...Pero in fernesss, very good ito sa mga taong mahilig mag concert sa CR. Taray ni ate concert sa trono saan ka pa. Pak anong say ni Sarah Geronimo sa centerstage mo.

Sana itinodo na nilagyan na din ng railings for safety purposes at red carpet para sa rich and famous effect. Amfufu nakaka fufu nyahahhaa

Para sa iyo PASOK  o' PLANGGAK ba ito



Read More . . .

Post

Sanhi ng Paghihirap ng Pinas

Naghahalungkat ako ng aking mga previous FB Stat ant napatunayan ko na isa pala akos a promotor ng mga pick-up lines...wag kang kilabatutan ...pero namnamin mo na lang ang aking cheeziness sa aking mahal na esposo nyahahhaha...



Cheezy Pick Up Lines: : Alam mo ba kung bakit naghihirap ang Pilipinas...kasi nagmamahalan tayo nyahahhahaha

Read More . . .

Post

Pick-Up Lines PALASYO ka ba?

EKSENA: Hirit na naman ng aking bunsong si Patrick Allan - isa sa kanyang mga Boy Pick Up lines
Icko: Mama, PALASYO ka Ba???
Me: Bakiiiitttt?
Icko: Kasi ang LAKI mo eh
Reaction ko, muntik ko ng mabuga ang iniinum ko heheh.


Read More . . .

Post

Icko Kulit: Demanding Girls Daw

Eksena naganap nuong April 15, 2011
Me (Mama) : Icko maglinis ka na ng katawan
Maid: Sige na Icko lilinisan na kita
Icko: Sandali lang po
Me: Icko, now na icko
Icko: Ang mga girls talaga noh mama demanding

Another Icko Kulit Moment hehehhe





Read More . . .

Post

BAGWA o' BANGAW



Likas na patawa talaga ang aking munting Kukoy, ito sundan mo na naman ang isang eksena sa aming buhay.....


Eksena with my son Patrick :
Icko: Mama look may "BAGWA"
Me: Huh!! ANong bagwa (syempre natakot me kasi akala ko sa fengshui na bagwa)
Me: wala naman anak ha (takot sa moomoo tone hehehhe)
Icko: Ayan o mama (galit na tone na hehehhee)
Me and Ate Patrixia : Ahhhhhhhhhhh "BANGAW"
tama po kayo bangaw na lilipad lipad ....hay naku kukoy

Read More . . .

Post

Hello LOGISTICS (Workaholic????)

Mga kapatid di ko alam kung workaholic nga ba ako o' mali-mali hehehhe.. Naranasan nyo na ba ito?



Read More . . .

Post

DPWH Officials Photoshopped Picture Scandal

Hay naku anak ng puto ano na naman ito, alam kong panis na ang balita na ito pero hayaan mo na ibahagi ko muli dito – sa atakeng alam ko. Madalas sinasabi natin na dapat ang ating mga opisyales sa pamahalaan ay kumikilos at may ginagawa sa ikauunlad ng ating bansa at para sa ikasusulong ng ating pag unlad.

Pero ano ito, ano ito na pinagpyesatahan ng madlang pipol matapos ang bagyong si Pedring. Anak ng peklat, nakakahiya naman talaga. Ang mga opisyales ng DPWH ay namataan na nasa may sinalantang bahagi ng baywalk sa Manila Bay. OK na sana sa Olryt kaso nabuking ng madlang pipol na Photoshop edited pictures pala…bwahahahaha kakahiya naman talaga. Nakakahiya na, nakakatawa pa, hindi man lang kumuha ng bihasa sa pag photo editing malay mo nakalusot pa. Tsk, Tsk, Tsk desperado? E paano namang hindi mabubukelya, eh kailan ba lumutang ang tao. Anu kayo defying gravity? Ang pagkakacrop jusme very elementary. Ano ulit ag tawag dyan - DESPERADO!!!!! (Basahin mo dito)



Pero ang mas nakakatawa, syempre as usual, ang Pinoy winner talaga ang humor. Matapos lumabas ang ma anumalyang DPWH Officials photoshop pics ay madami ng mga naglabasang mga katawa tawang mga larawan (mala Series ng pictures ni Manny Pacquio hehehhe na nagging mistulang chain email na ata). Ang siste naku mas magaling pa ang mga gumawa at ito sila. Tinawag nila itong "DPWH Meme" -   Ang Tres Trios o Tatlong Itlog pala ay makikita na din sa…..

Ang mga larawan na ito ay hindi po akin at dahil masipag ako ito po ay nasagap ko sa Internet...

nakipag reunion sa buwaya

andun sila sa paglanding ni McArthur - aba sayang ang publicity dapat andun sila

 nakihalubilo sa last supper
andun din sila nang naglabanan ang mga pulis pangkalawakan

syempre witness din sila sa first man in the moon bale sila ang pang 2nd, 3rd at 4th

ito hindi ito photoshop - at dahil lumevel up na sila may cake version na din sila hehehe


 Hay naku at madami pa nyan  subukan mong isearch sa Google ang DPWH Photo Scandal, DPWH Meme, DPWH Photoshop at madami ka pang makikitang Los Trios Version na sadyang mas improved kaysa sa original hehhehe.

Hay naku mapapatili ka talaga - Only in the Philippines


Read More . . .

Post

Birthday ng Bida - Maligayang Kaarawan Icko

Ang araw na ito ay lubhang mahalaga, dahil kaarawan ng aking bida...Opo kaarawan ng aking si Icko Kulit, ang aking inspirasyon sa paggawa ng blog na ito....At bakit naman hindi, kung ikaw ay tambay dito alam na alam mo na magaling humirit ng patawa ang aking anak.  Kanino pa ba magmamana eh di sa nanay na ubod ng ganda hehehheh....



Ang akala ko hindi ka na hihirit anak, pero humirit ka pa din sa iyong kaarawan, wagi ka talaga anak wala kang kupas hehehhe



Happy 8th Birthday Kukoy!!!


(Manahin mo ang kanyang kakulitan dito : Icko Kulit)


Isa pang pagbati :Happy 8th Birthday My Icko


Read More . . .

Post

Maligayang 18th Birthday sa Aking Mala Prinsesang Anak - Ishi


Kay bilis ng panahon, parang kailan lang, at ngayon ang inyong butihing Ate ay may dalaga na.....Imagine that ang inyong Dyosa ay nanganak ng Prinsesa.  Waaaaa dalaga na ang aking si Ishi, ibig sabihin matanda na ang kanyang nanay.  Pero OK sa alright ang sarap atang maging nanay.

Wala ba kayong napapansin sa aking dalaga, madalas eh sinasabi nila na kamukha sya ni Assunta De Rossi, OO naman kasi anak yan ni Assunto hahahhaha.. Sana lang nga kamukha ko sya, pero parang mas kamukha nya ang kanyang Papa. Pero carry lang pag pinupuri sya parang ako na din ang maganda kahit hindi hehehhe dahil galing sya sa akin - kaya makikisakay na lang ang nanay.

Pero too much of my kwento, my Ishi, be a good girl ha, ang buhay ay parang life....Basta tandaan mo andito lang kami ni papa, mama at Icko.  Tuklasin mo ang buhay......


Read More . . .

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net