Archives

Post

Pagninilaynilay : Papuri sa Diyos


Papuri sa Diyos na makapangyarihan, salamat sa pag ako ng aming mga kasalanan... Salamat Panginoon at sa Mahal Na Araw na ito aming gugunitain ang pagmamahal na Iyong patuloy na ibinibigay sa aming mga anak Mo…Patawad sa aking mga pagkakasala, nawa’y patuloy mo kaming gabayan tungo sa mabuting buhay…

Read More . . .

Post

Maligayang 48 Anibersaryo sa Aking Ama at Ina


Maligayang 48 Anibersaryo po sa aking mga Mahal na Magulang. Sa aking paglaki, parati ko kayong nagkikita na nagtatalo, madalas ay kumokontra sa isat- isa…(Para kayong mga nasa construction parang mga sub-contractor hehehhe - Kontra ng kontra)..Magkagayun pa man umabot ng 48 na taon ang inyong pagsasama…Marahil ang sikreto ng kasal ng aking Mama at Daddy ay ang kanilang manakanakang pag aaway, birit at hirit ng asaran at pagkontra…Basta kahit na away kayo ng away ang mahalaga tumagal kayo ng ganyan…


Pindutin mo ang READ MORE ha


Ang pinaka magandang nangyari sa 48 taon ng inyong kasal ay ang pagkakaruon ng 5 mababait at magagandang mga anak at 10 makukulit na mga apo….Mahal na mahal po naming kayo Mama at Daddy…Cease Fire muna po…tutal anibersaryo nyo po…Kailan ipaalala sa kanila kasi may Alzheimer na si Mama at si Daddy at paumpisa na ang sakit na kalimot.
Maraming salamat po sa inyong 2, dahil sa inyo andito ang makulit na si Brown Pinay na patuloy na nagkwekwento ng aking mga eksena, hirit patawa atbp

Read More . . .

Post

Kasabihan for the Day : Prinsipyo by Bob Ong


“Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nakatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“ - Bob Ong

Read More . . .

Post

Mga Tips at Payo : Sa Mga DI Madunong Magluto


Word of Wisdom para sa mga ka FB ko na di madunong magluto : Kapag nag-iba lasa ng niluluto mo, ibahin mo ang pangalan para di mahalatang naiba lasa hehehhehe

Read More . . .

Post

Banat : Corruption sa Pinas


Nakakalungkot isipin na parang mismong ang ating gobyerno ay isang sindikato na nagpapahirap mismo sa ating mga Pilipino. Ang mga katulad kong manggagawang Pilipino ay nagbabayad ng tamang buwis huwag naman sana waldasin.Naway mag umpisa na ang reporma daan sa matuwid

Pindutin mo ang READ MORE ha

Huwag naman sana puro imbistigasyƶn. dapat ay magkaruon ng resolusyon. dapat managot ang mga may kasalanan

Ito ay aking isinulat nung kasagsagan ng isyu ng corruption sa militar. Tunay na nakakalungkot dahil ang ating bansa ay patuloy na naghihirap. Ang mga nakaupo ay patuloy na yumayaman, aking tapat na panalangin na imulat nila ang kanilang mga mata upang makita ang isang hubad na katotohanan na ang Pilipinas ay sadlak na sa kahirapan.

Read More . . .

Post

Eksena sa FX: Nang Antukin si Kumare

hay naku hanep itong katabi ko s fx.kanina ko pa tinatabig sarap na sarap humimlay ang ulo sa balikot ko.Hay naku miss wag mo lang akong tutuluan ng laway.Pangako mamaya na kita gigisingin pagdating natin sa ortigas.

Read More . . .

Post

Eksena sa FX: Wag kang Maningit


Eksena: matapos ang isang mahabang pila s FX sa wakas makakasakay na ako. Ako ang panghuli sa sampuan ng biglang ng ako ay papasakay n may babaeng nambalya.Sabi ko Miss may pila.Sabi nya late n kc ako.Me:Parehas lang tayong late.Sabay balya s froglet.


Pindutin mo ang READ MORE ha

Hindi po ako suplada sadyang nairita lang ako sa mga taong ganyan, hindi man lang sina alang alang ang mga taong nagtyagang pumila. Late ka na pala, eh di dapat inagahan mo, magkataong parehas tayong late ang kaibahan nga lang natin pumila ako...pero magkagayun man late pa din

Read More . . .

Post

May Kasabihan Po Tayo : Ang Kasabihan ng Taong Walang Pera

Kasabihan for the day : Magbiro na sa taong lasing at bagong gising...wag lang sa taong walang pera...

Read More . . .

Post

Icko Kulit : Anak ka nga ng Blogger


Nagulat ako sa text ng aking bunsong si Patrick Allan Pagcaliwagan -"Mama, gumawa ako ng website, kaya lang in-X ko na"- HUh ang aking 7 y/o na bunso gumagawa ng website! ang sabi ng kanyang ate Patrixia Pagcaliwagan, gumagawa daw si patrick sa wordpress heheheh kaso nalito...inabandon....Wow-anak ka nga ng nanay mo - anak ka ng blogger - anak ka ni Brown Pinay

Read More . . .

Post

Jason Ivler Special Treatment sa Loob ng Kulungan


Jason Ivler special treatment sa loob ng kulungan - "kung anuman ang ibenebenta duon kahit sex pa yan bibilhin ko para sa anak ko" - Marlene Aguilar Ivler (she is so sick and already insane). Hay naku pagmamahal pa ba yan sa iyong anak o' isang malinaw na pagkunsinti. Paano matuto at magsisi mula sa mga maling nagawa kung hindi naman pinagdurusahan. Para dyan isang malaking buntong hininga....Dahil bilang ina, minsan ay kailangan nating tiisin ang ating mga anak, hindi dahil sa hindi natin sila mahal, pero kung ito ang paraan para sa mabuting pagbabago.

Read More . . .

Post

Sino si Icko Kulit

Sino ba si Icko Kulit...

Marahil ay nagtataka ka bakit bidang bida si Icko dito...sya ang makulit na bunso ni Brown Pinay. Kung ang aking Panganay na si Ishi ay mana sa kanilang Papa, si Icko naman ang manang mana sa Ina...Magaling humirit, at pagbumirit sya ng kanyang mga jokes magaling sa timing.



Pindutin mo ang READ MORE ha



Pero ang gustong gusto ko sa kanya...malambing na bata yan...matapos kang sabihang mataba ka, babawi yan at sasabihing "Ako ang pinakasexy sa lahat ng mataba" Pwede na hindi ba?

Pagmasdan ang mga litrato ng aking bunso na masayahin..


Icko @ 3 yrs old

First Day Funk


Mr. Pogi

SI Mr. Swabe, ginagaya nya si Papa nya nung nasa Saudi pa si Papa


Pakwela muna bago grumadweyt

Maysakit na patawa pa din

Ang bida - sa kanyang pinakaseryosong pose


Read More . . .

Post

Icko Kulit - O Di Ba Sexy Daw Ako...Weh Di Nga


Eksena: Nagkukulitan kaming mag ina, kasi nga daw may crush na si Icko ko, tinanong ko sya, "Icko, maganda ba ako", sumagot naman sya sabay titig "Hindi ka maganda mama, sexy ka lang. Ikaw ang pinakasexy sa lahat ng mataba" Ganun!!!! lokong batang ito ha....Tapos nagtanong naman ang ate Ishi nya "Icko, eh ako maganda ba ako?" Sumagot ulit ang makulit na si Icko "OO naman ate ikaw ang pinakamaganda sa balat ng paa" Huh!!!! Ang Kulit.

Read More . . .

Post

Icko Kulit - Nang Mapagalitan


Eksena : Pinagagalitan ko si Icko ang aking bunso dahil sobrang kalikutan at kakulitan...sagot ba naman sa akin "Mama, masyado ka namang insensitive" Huh...nagulat ako may insensitive pang nalalaman hehehehhe

Read More . . .

Post

Icko Kulit - Nang Umiyak Si Mama


Eksena: Nanunuod ako ng libing ni ex-President Cory Aquino. AT syempre naiyak ako...at habang umiiyak ako...lumapit sa akin ang aking bunsong si Icko. Habang nakatitig, tanungin ba naman ako "Mama, bakit ka umiiyak? Friend mo ba si Cory?" Parang bumalik ang luha sa mga mata ko. Ngek

Read More . . .

Post

Status Ko :Eksena, Hirit, Patawa ATBP...


Tagal ko ng dapat ginawa ito sa wakas natupad na din. Matagal na itong most requested by ng aking mga katribu...Sabi nila pwede daw akong pang stand up comedianne mala Pokwang at Ai-Ai sa aking mag hirit at birit. Dyan ako magaling sa timing. Pero may nagsabi din na para daw akong si Bella Flores sa sungit at taray...Weh Di naman...Nasa katwiran lang.




Pindutin mo ang READ MORE ha


Andami kong mga eksena sa buhay na nakakatawa at nakakainis, naibloblog ko ito sa aking mga blog..pero iba pa din ang kwento pag natranslate mo na sa English, nawawala na ang palabok...Ang hirap magpatawa at magalit sa English ika nga.




Tagal ko na ding nagbloblog, dati nung nag uumpisa pa lang ako mga 6 years ago, puro Tagalog at Taglish ang hirit ko, pero ng matutunan ko ng kumita ng kaunti sa aking pagbloblog, aba, aba kahit bali-baliko English kung English ang Lola nyo...

Pero nakakapagod din pala...kaya ito ginawa ko itong blog na ito para mas maibahagi ko ang aking mga Eksena, Hirit, Patawa ATBP...

Read More . . .

Chitika

Hanep May FANS !!!!

Mga KaFezbook

Bilang ng Mga Paparazzing Bumisita

hit counter html code
SEO Stats powered by MyPagerank.Net